Home

Search

Tuesday, October 5, 2010

Wet Market

Palengke ang lugar ng mga maiingay at magugulang na tindera. Literally magulang na ang edad nila bukod sa magugulang sila magtitinda. Isang beses ng mapadaan ako ng palengke ay may nakita akong bakla na nakikipagtalo sa isang babaeng mukang kumadrona. At ang pinag-aawayan nila? Ang natalsikang puting maong ni beki aguila. Nagsasabunutan pa sila nuong unang daan ko, waging wagi ang bakla sa sabunutan dahil mala shinampoo ko lang yan, ang effect ng hair ng gerlalu samantalang mala bruce lee naman ang haircut ng baklang palaka.

Hala sige haltak dito haltak don hanggang lumuwa ang padding ng bakla, lalo itong nagalit dahil na expose ang kanyang detachable na dibdeb, kalurkei dun ko na compare ang lakas ng baklang halimaw at ng babae bikaka, napabikang-kang kasi ang lola ng itinulak siya ng beki. Ang malas lang gurl dahil mukang walang save by the bell ang awayan, eh papano ba naman, palengke ang arena nila, tuwang-tuwa pa ang mga tao sa kanila animo'y mga panabong na manok na iniwanan sa kanto at nag-jumbagan to the max, maski ako ay ayokong umawat dahil baka magalit ang mga tao kung mapuputol sabungang ito. At after non ay nag-walk-a-ton muna ako, naghanap ng ingredients para sa papa-tira-misu na gagawin ko at talagang wet market daw ang pinagbilhan ko... hahaha.

Napahinto ako sa bilihan ng mga junk-foods nagbasakali akong mayroon silang grahams, aba naman at sinuswerte ako dahil meroon nga, plus... plus plus plus... ang tindero ng MERRY Convenience Store ay isang adonis, umaygad... kinilig ang kaluluwa ko nang siya ang sumagot sa tanong ko na kung magkano ang grahambells... that store was really Merrymaking place. Syempre hindi ko pinaligtas ang lolo mo, asked ko ang name-sung, at James daw ang name nya, umaygad kinilig nanaman ang kaluluwa ko. Biruin niyo, sumasagot talaga ang lolo niyo, edi ayun na nga, bumili ako sa kanya at kumuha siya ng pamalit sa display. Nahirapan ang bebe ko na abutin ang stocks mejo may ashfalls kasi eh haha ashfalls daw talaga, kayat tinanggal ni bebe ang sando niya, umaygad kinilig nanaman ako todo nato hanggang puson. Ang dibdeb ni bebe mas matambok ba sa dibdeb ko at ng baklang lumuwa ng paddings, Oh my god there's so many ways to love him, so rude boy, his so fluffy I' m gonna kilig puday.

At ayun natapos ang magandang pagtingin ko kay bebe nang lumabas sa eksena ang kanyang asawa na mukang tumira sa factory ng metathione sa sobrang puti. Mula sa kilig ay nginig ang bigla kong naramdaman, umupo ako sa isang sulok at nagmukmok, may hawak akong blade at kiniskis sa aking leeg, charots!!! acting lang... uvher na yon.... Sayang ang ganda ko kung wawakasan-tino ko ang lifeness ko, lalo na sayang ang talents. Hmmp pero sayang talaga yon.